Matthew 7:1-5

Huwag Husgahan ang Kapwa

(Luc. 6:37-38, 41-42)

1“Huwag ninyong husgahan ang iba, para hindi rin kayo husgahan ng Dios. 2Sapagkat kung paano ninyo hinusgahan ang inyong kapwa ay ganoon din kayo huhusgahan ng Dios.
Sapagkat … Dios: sa literal, Ang panukat na ginamit ninyo ay siya ring gagamitin sa inyo.
3Bakit mo pinupuna ang munting puwing sa mata ng kapwa mo, pero hindi mo naman pinapansin ang mala-trosong puwing sa mata mo? 4Paano mo masasabi sa kanya, ‘Kapatid, tutulungan kitang alisin ang puwing sa mata mo,’ gayong may mala-trosong puwing sa iyong mata? 5Mapagkunwari! Alisin mo muna ang mala-trosong puwing sa iyong mata, nang sa ganoon ay makakita kang mabuti para maalis mo ang puwing sa mata ng iyong kapwa.

Copyright information for TglASD